46
benjamin-diokno
Jul 31, 2018 @ 16:55
By

Diokno: Eleksiyon sa 2019, tuloy!

Tiniyak ni Budget Sec. Benjamin Diokno na may pondo para sa eleksiyon sa susunod na taon.

Sagot ito ni Diokno sa pagtatanong ni House Majority Leader Rolando Andaya sa budget briefing sa Kamara para sa P3.757 trillion 2019 proposed national budget.

Sinabi ng kalihim na may P7 bilyon na alokasyon sa pambansang pondo para sa 2019 midterm elections.

Bukod pa aniya ito sa P11 bilyon ngayong taon para sa paghahanda sa darating na halalan.

“We are not discussing no-el. There will be an election next year,” ayon kay Diokno.

Dahil dito’y sinabi ni Andaya na dapat mapayapa ang takot ng mga doomsayers na hindi matutuloy ang eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?