78

Jun 18, 2021 @ 19:55
By

Diokno: Duterte-Duterte tandem labag sa spirit ng Konstitusyon

Labag sa spirit ng Konstitusyon ang tambalan ng mag-amang Duterte sa 2022 elections, ayon sa abogadong si Jose Manuel “Chel” Diokno.

“Definitely, hindi siya sumasang-ayon sa spirit ng ating Konstitusyon. Kaya nga nilagay sa Konstitusyon na one term ang Pangulo para hindi makapagpatuloy ng political dynasty kung sino man ang nahalal,” paliwanag niya sa isang episode ng The Mangahas Interviews.

“Hindi nila pagmamay-ari ang kapangyarihan. That is why sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them,” dagdag niya.

Hinala rin ni Diokno na paraan lamang ng Pangulo ang pagka-vice president para makabalik sa kapangyarihan.

“Baka naman pag nanalo [siya], kung sino man ang kasama niyang kandidato sa pagka-presidente eh mag-resign, sino ngayon ang papalit? Eh di magiging Pangulo siya ulit,” sambit ni Diokno.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na “resisting” siya sa pagtakbong vice president dahil baka maakusahan siyang nais lamang manatili sa kapangyarihan.

Sinabi ng Presidente na hindi ito tatakbo sa susunod na eleksiyon dahil ang nais na lamang nito ay magpahinga matapos ang kanyang termino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?