323

Sep 24, 2019 @ 12:42
By

Diokno, Colmenares, iba pang abogado, sanib-pwersa kontra Duterte

Nilarawan ng muling binuhay na lawyer group na tila nagbabalik umano ang panahon ng martial law sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya’t muling magbabalik ang Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLC), na dating tumindig kontra sa mga polisiya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006 katulad ng ZTE deal, Executive Order No. 464 na nagbabawal sa pagdalo ng mga cabinet member, police at military general at ilan pang national security official sa mga pagdinig sa Kongreso ng walang pahintulot ng Presidente, at extrajudicial killing.

“Not since the dark years of Martial Law have our civil liberties and fundamental rights have been threatened and blatantly violated with such brazen impunity,” ayon sa statement ng CLC.

Neri Colmenares ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), dating Deputy Speaker Erin Tañada at human rights lawyer Chel Diokno. Sina Tañada at Diokno ay tumakbo sa pagka-senador para sa opposition slate na Otso Diretso.

Kasama din sa CLC sina Integrated Bar of the Philippines (IBP) National President Domingo Egon Cayosa, Marlon Manuel ng Alternative Law Groups, Edre Olalia ng NUPL, dating Vice President Jejomar Binay at ex-Senator Rene Saguisag.

Ang iba pang kabahagi ng grupo ay sina Professor Pacifico Agabin ng University of the Philippines College of Law, dating Dean ng Ateneo School of Government Antonio Gabriel La Viña, Arpee Santiago ng Ateneo HR Center, Dean Anna Maria D. Abad ng Adamson University College of Law at Dean Manuel Quibod ng Ateneo de Davao College of Law.

Muli umanong tinayo ang grupo dahil sa sunod-sunod na nangyayaring kamalian sa bansa, kasama na ang pagpapalaya at muling pagpapahuli ng lampas isang libong preso sa bisa ng good conduct time allowance (GCTA) law.

“What right does Duterte have to order the rearrest. They are not escaped convicts. There were released because of stupid record-keeping,” ayon kay Colmenares.

“Members of the legal profession have the duty to help in the administration of justice, uphold the ‘rule of law’ and defend constitutional rights. All these are under attack today,” saad pa ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?