43

Nov 18, 2021 @ 14:09
By

Diokno atat na sa debate vs Duterte, ibang senatoriable

Hindi na makapaghintay si senatorial aspirant Atty. Chel Diokno na makaharap sa senatorial debate ang mga kalaban niya sa pagka-senador, partikular si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kailan ang debate? I would love to have a debate with the President or with anyone else who is running for the Senate,” wika ni Diokno sa panayam ng ANC.

“After all, that’s what we’re going to be doing if ever we are elected. We will be debating bills and passing laws,” dagdag pa ng human rights lawyer.

Sangkatutak ang mga pangalang nagpahayag ng pagkandidato bilang senador sa 2022, at hindi pa inilalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan ng mga kandidato.

Sakaling matuloy ang debate, isa sa mga inaabangan ni Diokno ay makaharap si Duterte, na humabol sa huling araw ng substitution noong Nobyembre 15 para tumakbong senador.

Minsan nang binanatan ng pangulo si Diokno dahil sa ngipin nito.

Ngunit ani Diokno, hindi siya apektado sa tirada ni Duterte.

“Ako naman hindi ko pini-personal iyan. That’s something I learned from my father, never to plant those types of feelings inside you because they are like poison,” ani Diokno. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?