22
spencer-dinwiddie
Dec 20, 2019 @ 18:36
By

Dinwiddie sinakluban ni Mills, Spurs

Sinapawan ni Patty Mills at ng San Antonio Spurs ang career-night ni Spencer Dinwiddie para sa Brooklyn.

Umiskor si Mills ng 27 at kinalos ng Spurs ang Nets 118-105 Huwebes ng gabi nang magsumite si Dinwiddie ng career-high 41 points.

Kinamada ni Mills ang 21 sa kanyang puntos sa second half, 5 for 8 sa 3-pointers nang mag-rally ang San Antonio mula 14-point deficit.

Nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 20 points at 10 rebounds sa San Antonio.

Sa pang-17 sunod na laro ay wala si Boston guard Kyrie Irving na hindi pa nakakarekober mula right shoulder injury. Binalikat ni Dinwiddie ang Nets, tumira ng 14 of 29 mula sa field para higitan ng dalawa ang dating career-high.

Sapul nang maupo si Irving ay 11-6 ang Nets. Hindi na siya sumama sa two-game road trip ng team, at sinabi ni coach Kenny Atkinson na wala pang update sa injury status ng kanyang All-Star guard.

Isinara ng Spurs ang third quarter sa 12-0 run, kinubra ang unang lead 83-81 sa layup ni Mills 3.8 seconds pa. Mula sa labas ng arc ay 4 for 9 ang San Antonio sa third kabilang ang panabla sa 81 ni Derrick White.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?