13
spencer-dinwiddie
Feb 18, 2018 @ 12:27
By

Dinwiddie ng Nets, nasikwat ang Skills Challenge

Napanalunan ni Spencer Dinwiddie ng Brooklyn Nets ang skills challenge sa kick-off ng NBA All-Star nitong Sabado.

Naungusan ni Dinwiddie, naglaro sa Taft High sa Woodland Hills sa Los Angeles, si Lauri Markkanen ng Chicago Bulls sa final round.

Walong players ang sumali sa competition kung saan sumampa sa finals sina Dinwiddie at Markkanen.

Nahirapan si Markkanen sa paglusot ng bola sa net dahilan para makalamang sa oras si Dinwiddle.

Nag-dribble si Dinwiddle pababa ng floor at nagmintis sa kanyang unang tira subalit naibuslo ang pangalawang attempt para maselyuhan ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?