77

Nov 2, 2017 @ 19:33

Dinukot na konsehal sa Jolo, pinalaya ng ASG

Nakalaya mula sa pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group ang konsehal ng Jolo Sulu na kanilang dinukot nitong nakalipas na September 27 sa pagitan ng Barangay Timbangan at Tagbak Indanan Sulu.

Ang pinalayang kidnap victim ay si Jolo Councilor Zed Tan, na nkalaya mula sa mga bandido alas -9:29 ng gabi kagabi sa Barangay Buru Talipao Sulu na ngayon ay nasa piling na ng kanyang pamilya.

Isinailaim ito agad sa Medical examination sa Camp Bautista Station Hospital sa Busbus Jolo Sulu, na ngayon ay nasa maayos na kondisyon na.

Isinalang rin si Tan sa debriefing bago tuluyang inilipat ng militar sa kanyang pamilya.

Wala naman komento ang militar kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng biktima. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?