202

Sep 13, 2021 @ 22:37
By

Dinglasan patay sa COVID-19

Pumanaw nitong Lunes dahil sa COVID-19 si former De La Salle University men’s basketball team skipper Rafa Dinglasan sa edad na 53.

Isa siya sa instrumento sa pagsungkit ng Green Archers ng UAAP men’s basketball championship noong 1989 at 1990.

Nasa team din noon sina Zandro Limpot, Johnedel Cardel, at Gelacio Abanilla. Si Frederick Pumaren ang coach.

Lumaro rin si Dinglasan sa Burger City sa Philippine Basketball League, pero hindi umabot sa PBA.

Taong 2014 nang magsilbi siyang assistant coach sa College of St. Benilde sa NCAA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?