8

Sep 15, 2020 @ 19:12
By

Dingdong wagi sa Seoul Int’l Drama Awards

Abot hanggang sa ibang bansa ang husay sa akting ni Dingdong Dantes matapos itong magwagi ng award sa 15th Seoul International Drama Awards.

Nanalo ng Asian Star Prize ang Kapuso actor bilang si Capt. Lucas Manalo sa hit Pinoy adaptation ng ‘Descendants of the Sun’.

Tinanggap ni Dingdong ang award sa virtual ceremony nitong Huwebes.

“This award is also a tribute to all frontliners of the world, soldiers, healthcare workers, and volunteers. This award is also for my loved ones and the Filipino people,” ayon sa speech ni Dingdong.

Noong nakaraang buwan ay pinarangalan din ang DOTS bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa pareho ding award-giving body.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?