8

Sep 16, 2020 @ 15:28
By

Dingdong wagi sa Seoul Int’l Drama Awards

Nasungkit ni Dingdong Dantes ang Asian Star Prize sa ika-15 Seoul International Drama Awards (SDA) ngayong taon.

Nanalo siya sa kanyang pagganap bilang leading man (Lucas Manalo) ng South Korean drama “Descendants of the Sun” na ni-remake ng GMA 7.

“The story was very well-loved by Filipinos, including my wife who’s an avid wife of K-drama. That’s why reliving the story is both an opportunity and a responsibility,” sey ni Dong sa isang pre-recorded speech na nilabas sa YouTube channel ng SDA kahapon.

“We had the chance to retell a well-loved, word-class creation while honoring the lives and experiences of our modern-day heroes through our portrayals,” wika pa ng “Big Boss”.

Inalay ni Dantes ang award para sa “lahat ng mga frontliner sa mundo”, gaya ng mga sundalo, health worker, at volunteer, habang nilalabanan ng daigdig ang coronavirus pandemic.

Bukod kay Dingdong, wagi rin ng Asian Star Prize si Japanese actor Ryusei Yokohama mula sa palabas na “Your Turn to Kill”.

Samantala, si Dantes na ang pang-apat na Filipino actor na nakatanggap ng nasabing award bukod kina Gabby Concepcion, Dennis Trillo at Alden Richards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?