66

Oct 10, 2017 @ 11:25

Dingdong, tatakbong kongresista sa QC; “May project kami sa 2nd district of QC…” — Dingdong

NABABALITA talaga ngayon na tatakbo ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa pagka-Congressman ng District 2 ng Quezon City.

Ang siste pa, reliable raw ang source ng balita kaya sa nakaraang presscon ng Seven Sundays na ipalalabas bukas (Oct. 11), ilan sa mga press ang nagsasabing kahit na dati pang nababalitang tatakbo si Dingdong, this time raw, mas malaki ang porsiyentong totoo na.

Nang maitanong naman ito kay Dingdong sa presscon, tila hindi definite ang sagot niya kung oo o hindi na tatakbo nga siya.

“May mga projects ako na nandun ngayon, nationwide naman kasi ‘yung mga reach ng aming projects sa Yes Pinoy Foundation but we also have projects in 2nd district of Quezon City kaya ‘yun siguro ang lumalabas.”

Sa isang banda, consistent si Dingdong sa pagsasabing idolo niya ang co-star ngayon at nagbabalik sa pelikula na si Aga Muhlach. Natatandaan nga naming T.G.I.S. days pa lang, si Aga na ang madalas banggitin ni Dingdong sa mga interview niya na idol niya.

Tila nahihiya pa nga si Aga nang marinig ang mga pahayag tungkol sa kanya ni Dingdong.

Ayon kay Dong na inaming fan talaga ni Aga, “Growing up, I admit si Aga Muhlach ay idol ko, saka kaya rin ako na-convince to get into acting was because of his works also, pero gusto ko lang ding sabihing ako’y fan of him as an actor but now, I’m more of a fan of him dahil sa kanyang pagkatao.

“Mas fan ako sa kanyang persona more than him being an actor dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maging younger brother to him because ‘yung whole process namin of making this film was like the process also of being in a family, a real family and ‘yan ang ipinaramdam niya sa amin, na talagang siya ang kuya naming magkakapatid.” (ROSE GARCIA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?