77

Feb 11, 2020 @ 17:07
By

Dingdong suportado ang ABS-CBN franchise renewal

“Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry,” – ang panimulang pahayag ni Kapuso actor Dingdong Dantes na sumuporta sa pag-renew ng prangkisa ng rival company na ABS-CBN Corporation.

Sa isang thread sa Twitter, Pebrero 11, hinayag ni Dingdong na may iisang pagmamahal silang inilalaan para sa media industry, na tinutulungan ang buhay ng ilang milyong Pilipino.

Sinaad din ni Dantes ang pahayag ni Buhay Party-list Rep. Jose Atienza Jr. kahapon, at nagdasal na sana mamayani ang “true interests of the people, under the rule of law” laban sa anumang political agenda.

“Inaction will only spell the weakening of the foundations of our democratic system. If Congress will not take action, this Congress is really paralyzed with inaction; and we should not be deserving to be called representatives of the people,” hayag ni Atienza, na sinaad ni Dantes.

“In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses. I pray too that the government, thru Congress, will hear out its constituents. After all, Congress is supposed to represent our “voice.” #NoToABSCBNShutDown” wika ni Dingdong.

Lunes ng umaga, Pebrero 10, 2020, nang maghain si Calida ng isang “very urgent omnibus motion” para sa Korte Suprema para ipawalang-bisa na ang prangkisa ng ABS-CBN at ng digital media arm nito.

Inakusahan ni Calida ang ABS-CBN ng paglabag sa constitutional limit ng dayuhang pagmamay-ari na nililimitahan ang lahat ng media companies sa 100% Filipino equity. Giit ni Calida, may ‘corporate layering scheme’ ang Lopezes para hakbangan ang Kongreso sa paglilipat ng prangkisa nito.

Matatapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020 at napaulat na pinakiusapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House committee on franchise na huwag magsagawa ng pagdinig ukol sa pagpapalawig ng naturang prangkisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?