154

Oct 4, 2021 @ 19:32
By

Dingdong sobrang saya sa paglipat ni Kuya Kim

Super close pala sina Dingdong Dantes at Kim Atienza kahit magkaiba sila noon ng network.

Sa kanyang Instagram, winelcome ni Dingdong sa Kapuso Network si Kuya Kim at sinabing ito ang nag-welcome sa kanya sa mga community na bumago sa buhay niya.

“Not many may know this, but I have always given so much value and importance to the many occasions here @kuyakim_atienza wholeheartedly welcomed me into communities that have changed my life— from running, to our love for motorcycles and even spirituality,” saad ni Dingdong.

Bukod sa magkasama sila sa ilang samahan ay ninong daw si Kuya Kim ng anak niya.

“Ni minsan, hindi siya naging madamot sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman, passion at pananaw sa kung ano ang nararapat at kailangan.

“Kaya naman ang tawag ko sa kaniya ay KUYA, hindi dahil ‘yan ang screen name niya, kundi ‘yan ang tingin ko sa kaniya— isang nakatatandang kapatid.

“KA- EM, because we belong to the same riding group.

“Ka- GOTTA, because we belong to the same health and wellness circle.

“KUMPADRE dahil siya ay Ninong ng aking anak.

“But today, i’d like to take this opportunity to welcome you into a place that i have considered home for the past decades…” sambit pa ng aktor.

“Kaya Kuya, kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na rin kitang KAPUSO,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?