72

By

Dingdong at Ruru tie sa Best Actor sa Star Awards

Sharing is caring!

PAREHONG nanalo o nag-tie sa pagka Best Drama Actor sina Dingdong Dantes at Ruru Madrid sa katatapos na 31st Star Awards for Television ng PMPC. Feel namin na mas naging espesyal para kay Dingdong ang award na napanalunan dahil alam naming isa sa espesyal na primetime series niya ang kasalukuyan pa rin napapanood sa GMA primetime na Alyas Robin Hood.

Muli nga niyang sinabi sa naging speech niya kung paano, may kahalong advocacy ang ARH na ang pagiging superhero ay hindi lamang makikita sa may mga pakpak. Na katulad ng

ipinapakita sa kanilang serye, lahat ay may kakayahang tumulong nang walang hinihintay na kapalit.

Inalala pa ni Dingdong noong una raw siyang makatanggap ng award sa PMPC noong 2010 na at that time, crush pa lang niya ang misis na niya ngayon na si Marian Rivera. Who happened to receive her Best Variety Host naman sa Sunday PinaSaya.

Inalay ni Dingdong ang napalunang trophy sa kanyang mag-ina, lalo na sa kanilang anak na si Zia na kapag tinanong daw kung ano ang star na yun, maikukuwento niya sa anak ang dahilan.

Kasabay ni Dingdong umakyat sa stage si Ruru na for sure, very proud din na ka-tie niya ang kanyang Kuya Dong. Sey nga niya, ‘LODI’ o Idol dahil ever since, bukambibig na ni Ruru na isa sa mga iniidolo niya ang Kapuso Primetime King.

Kaya sabi nito, “Isang malaking karangalan na makasama ko sa entablado ang isang Dingdong Dantes.”

Nagkataon pang ang pinanalunang serye at karakter ni Ruru ay ang Encantadia kunsaan, ang dating ginampanang karakter ni Dingdong sa original Encantadia na si Ybarro ang ginampanan ni Ruru.

Naikuwento niya na nang siya raw ang mapili sa dating role ni Dong, grabe raw ang pangba-bash na natanggap niya kaya nagpasalamat ito sa lahat ng nag-motivate sa kanya to the point na hayun at may Best Actor trophy na rin siya.

Dalawang beses namang umakyat si Dingdong sa stage dahil nanalo rin ang Alyas Robin Hood sa Best Primetime Drama Series, ka-tie naman ang La Luna Sangre ng ABS-CBN.

Si Richard Gutierrez na isa sa mga host nung gabing yun ang tumanggap ng award ng La Luna… at nakakatuwang makita sa isang stage sina Dingdong at Richard. Though on a different networks now, pero, everybody knows na sila ang dating magkakuntemporaryo halos noon sa Kapuso network.

Both happy with their own family at may mag pagkakataong nagkakasama rin sa hilig nilang pagmo-motor. Kung dati, kahit magkasama sa isang network ay hindi nagkasama sa isang proyekto, sana may makaisip ngayon na pagsamahin ang dalawa, ‘di ba?

Kahit sa pelikula pa ito… now that they’re both matured and happy with their personal life.

Anyway, congratulations sa lahat ng winners ngayon ng Star Awards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?