27

By

Dingdong, Richard agawan kay Vice Ganda

Sharing is caring!

Kaya naman pala spotted ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na nakipag-meeting sa Star Cinema ay sa dahilang may bago na naman itong gagawing pelikula sa bakuran ng Star…

Katulad nu’ng mga unang lumabas na balita na si Dingdong ang bagong leading man ni Vice Ganda sa MMFF movie nito, pero walang naging kumpirmasyon at lumabas naman ang pangalan ni Richard Gutierrez na siyang magiging leading man ni Vice.

Ang bongga ng Star Cinema at ni Vice. Imagine, sina Dingdong at Richard ang maituturing na biggest Kapuso star before na nasa GMA pa si Chard, pero hindi sila nagkasama dun sa anumang proyekto, heto at sa Star Cinema movie sila magkakasama with Vice.

Subok na si Vice sa pagiging number one sa box-office ng MMFF at ngayon lang magsasama sina Dong at Chard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?