33

By

Dingdong para sa Senado?

Sharing is caring!

Mismong si Marian Rivera na ang nagsabi na tatakbo ngayong 2019 elections ang asawang si Dingdong Dantes.

Hindi lang nasabi ng Kapuso artist kung anong posisyon ang tatakbuhan ni Dingdong.

Ayon kay Marian, mas mainam na raw na sa asawa manggaling ang iba pang detalye hinggil sa pagpasok nito sa politika.

Sabagay, ilang buwan na ang nakalilipas ay naging topic na ang pagtakbo ni Dingdong ngayong 2019 elections.

May mga nagsasabing senador ang puntirya ng actor, pero may nagsasabi rin namang hindi.
Nakasagap din kami ng tsika na congressman naman daw ang gusto niyang posisyon.

Wala pang malinaw sa mga ito dahil hindi pa nga nagsasalita ang actor.

Ngayong ang misis niya na mismo ang nagsabing tatakbo si Dingdong, hintayin na lang natin kapag nag-file na ng kanyang candidacy ang actor.

But, how true na ino-offeran din daw siya ng Quezon City, ang grupo ni Joy Belmonte?

Pero, ang latest naming balita ay senador ang tatakbuhin ng actor. Nasa lineup na raw siya sa tiket ni Mar Roxas, ang Liberal Party.

Well, malalaman na lang ‘yan, tutal malapit na ang October, ang buwan ng pagpa-file ng candidacy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?