16

Jun 15, 2020 @ 10:16

Dingdong natulala sa ganda ni Marian

Kahit matagal na ngang mag-asawa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, hindi pa rin maiwasang matulala at humanga ang aktor sa ganda ng kanyang misis.

Ibinahagi ni Dingdong sa kanyang Instagram ang larawan ni Marian na hawak ang mga bulaklak mula sa flower shop business nito. Kuha ang larawan bago mag-GCQ at marahil ay walang masyadong ginagawa ang mag-asawa kaya minabuti nilang mag-pictorial.

Ipinagmalaki ni Dingdong sa sinulat na caption na siya ang nag-picture sa misis niya. Whole body ang photo at at natatakpan ng buhok ni Marian ang kalating mukha niya.

Ayon kay Dingdong, nalito siya kung ano ba ang subject ng pictorial, kung ang bulaklak na hawak ni Marian, o ang misis niya mismo.

Umayon ang mga follower ni Dingdong sa agaw-eksenang kagandahan ni Marian. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?