90

May 6, 2020 @ 17:25
By

Dingdong nagbenta ng mga mamahaling motorcycle gear

Pina-auction ni Dingdong Dantes ang ilan niyang pinakamamahal na mga gamit pang-motorsiklo para makatulong ngayong may COVID crisis.

Kabilang sa binebenta ng aktor ang mga mamahaling helmet, leather bag at two-piece leather motorcycle suit.

Nakiisa siya sa fundraising initiative ni Drew Arellano na “Drew’s Closet”, na naka-post sa Facebook page na “Life with the Arellanos”.

Lahat ng proceeds ay ido-donate sa Andrew’s Fund PH, Caritas Manila, Magna Anima Teachers College, YES Pinoy at Diocese of Antipolo.






Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?