83

Apr 22, 2019 @ 12:48
By

Dingdong mananatiling Kapuso

Hindi iiwan ni Dingdong Dantes ang mother network sa kanyang pagpirma ng bagong kontrata sa GMA nitong Lunes.

Kasama sa pagpirma ng leading Kapuso artist sina GMA chairman and CEO Felipe L. Gozon, GMA president and COO Gilberto Duavit Jr. at GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable.

“There’s a great sense of happiness and pride, kasi hindi siya nag-iba, bagamat ang laki na ng tinaas sa industriya. He has remained the same, very humble, very professional, very consciencious and loyal person and friend,” ayon kay Duavit.

Kasunod ito ng panganganak ng kanyang maybahay na si Marian Rivera sa kanilang ikalawang anak na pinangalanang Sixto.

“Higit kalahati ng buhay ko sa GMA. Dito ko nakilala yung asawa ko; nakilala ko siya, kinasal kami. Dito kami nagkaron ng panganay at ngayon nagkaron ng pangalawang anak, so practically lahat ng mga highlights ng buhay ko ay naganap dito sa GMA,” ayon kay Dingdong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?