92

May 11, 2020 @ 15:55
By

Dingdong kinalbo ni Marian!

Ngayon enhanced community quarantine, dumadami ang nagiging instant barbero sa kanilang mga bahay dahil sarado ang mga pagupitan.

At hindi rin nakaligtas si Dingdong Dantes dahil maging ang kanyang buhok ay ginupit din ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Sa Instagram post ni Dingdong, makikitang halos pakalbo na ang kanyang buhok habang inaahit ni Marian.

“Diyan din naman ang punta niyan…eh di sige na nga! ????” sey ni Dingdong na hindi nakapalag sa kanyang asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?