62

Jun 12, 2021 @ 15:11
By

Dingdong kabado sa turukan, napa-beer

Aminado si Dingdong Dantes na kinakabog ang dibdib niya pero excited dahil mababakunahan na siya laban sa coronavirus.

Kaya naman napainom siya ng beer para mawala ang nararamdamang kaba.

“Relax relax muna at medyo kinakabahan at excited na ako bukas dahil nakakuha na kami ng COVID-19 vaccine slots!” sey ni Dingdong sa Instagram post.

Aniya kabilang ang mga entertainment worker sa A4 category.

“Kailangang kailangan na talagang magpabakuna ang mga palagiang lumalabas para magtrabaho,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?