486

Oct 29, 2017 @ 11:58

Dingdong galit na sa paninira kay Marian

By ROSE GARCIA

KUNG base sa pagkakatanda namin, ngayon lang yata ginawa ni Dingdong Dantes, ang Kapuso Primetime King at bida ng Alyas Robin Hood ang direktang sagutin o magpadala ng open letter sa isang kolumnista na sa palagay nito ay sinisiraan ang kanyang misis, ang Kapuso Primetime Queen at bida ng Super Ma’am na si Marian Rivera.

Obviously, hindi na na-take ng actor ang para rito ay below-the-belt at paninira na sa misis niya. Matagal na naming kilala si Dingdong, mas madalas, kung may negative issue man o paninira, hindi siya nagre-react na lang.

Kaya alam naming sa kabila ng mahinahon at marespetong pagsagot niya sa kolumnista sa pamamagitan ng open letter ay talagang napuno na ito at nagalit.

Iba nga talaga kapag mahal sa buhay o pamilya na ang kinanti.

Sa letter nga niya, nakalagay na, “Hinding-hindi ko papayagang may umabuso o bumastos sa pamilya ko — lalo na sa asawa at anak ko.”

Sa isang banda, marami naman sa mga tagahanga nina Dingdong at Marian ang natuwa sa ginawang ito ni Dingdong. Mas lalo raw nilang nakita at naramdaman kung gaano kamahal ni Dingdong si Marian.

Ang mga ito na rin ang sumasagot sa iilan na dahil sa pagsagot ni Dingdong through an open letter directly sa columnist mismo, may nagpaparatang pa na baka for promo lang daw ng dalawang magkasunod na primetime series ng dalawa sa GMA-7.

Pero sinopla ng ibang fans ang nagbibigay ng ganitong kaisipan. Komento ng isang netizen, “Papayag ba ang isang artista na yurakan ang pagkatao niya dahil lang sa ratings? Ganun ba ang prinsipyo mo sa buhay? Wala ka sigurong dignidad.”

Marian na-touch sa pagtatanggol ni Dong

WALA palang kaalam-alam si Marian Rivera sa ginawa ng asawa niyang pagdedepensa sa kanya.

Nang mabasa namin ang open letter ni Dingdong, ang una naming minessage ay si Marian para hingan ito ng reaksyon. Eh, nasa taping pala ng Super Ma’am kaya hindi nito nakita agad ang message at tawag namin.

Ang unang sagot pa sa amin, “Ay, ano ‘yun Ate? Ha ha ha!”

Clueless si Marian kaya ang ginawa namin, sinend namin sa kanya ang mismong open letter ni Dingdong. Medyo matagal bago siya nakasagot kaya sure kaming binasa niya muna ito.

Nang makausap na namin, ramdam na ramdam namin kay Marian ang sobrang pagka-touch sa ginawa ng asawa niya para lang maipagtanggol at maidepensa siya.

At saka niya sinabing, “Ate, iyak ako nang iyak.

“Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Sa totoo lang, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya ko.

“Lalo na ang anak namin.”

Sa totoo lang, napakarami na talagang naging isyu kay Marian at sa pagkakataong ito, hindi na siya ang dumepensa sa sarili. HIndi na niya kinailangang magbigay ng kalinawan sa mga ibinabatong intriga sa kanya.

Ang mga tao na mismong iniintriga sa kanya ang sumagot at nagtanggol sa aktres.

Eh, dun pa lang, sobrang vindicated na siya. Tapos, ang long hair pa ng tingin sa kanya ng lahat with her own husband on the rescue ha.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?