86

By

Dingdong Dantes swak na endorser ng Caltex

Kilalang mahilig sa motorsiklo si Dingdong Dantes, sa kanyang social media account ay makikita ang mga koleksyon nito ng two-wheeled speedster at para sa aktor, isa lang ang pinagkakatiwalaan niyang fuel para sa kanyang mga koleksyon.

Si Dingdong ang bagong endorser ng Caltex, exclusive talent ng GMA 7 na binasagan pang Primetime King, ngunit bukod dito ay gumawa na rin ng pangalan sa pagho-host, pagiging producer at negosyante.

Bukod pa dito, founder din siya ng Yes Pinoy Foundation, na may tatlong pokus: kabataan, edukasyon, at serbisyo publiko, ngunit higit sa lahat, mabuting padre pamilia din siya sa kanyang misis na si Marian Rivera at kanilang dalawang supling.

“All the things I’ve achieved in my life so far, I made them happen with hard work and passion. There may be a lot of challenges I have to face on the road to make my dreams happen but I keep going because I want to be the best version of myself,” pagbabahagi ni Dingdong. “That’s why I’m happy to be chosen as Caltex’s newest brand ambassador. We share the same belief.”

“Dingdong Dantes is a great representation of our world-record breaking brand, embodying our brand’s main tagline and philosophy of “Enjoy the Journey”. He fits Caltex’s personality – positive, friendly and adventurous that encourages people to enjoy the experience of whatever they’re doing and wherever they are going, ” ayon naman kay Louie Zhang, Chevron Philippines Inc. Country Chairman. “His list of achievements is also clear proof of his determination to be at his personal best. Just like Caltex. We embrace the difficult to achieve the extraordinary in our desire to provide the best premium quality fuels for motorists.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?