35

May 22, 2020 @ 12:50
By

Dingdong Dantes, namahagi ng pagkain at PPEs sa MARCSSBn frontliners

Walang humpay parin sa pagtulong si Kapuso actor Dingdong Dantes matapos magbahagi ng pagkain at personal protective equipment sa reservists ng Marine Affiliated Reserve Combat Service Support Batallion (MARCSSBn) frontliners sa Pasay City.

“Refill muna bago puntahan ang mga katropa ko sa MARCSSBn na assigned sa Pasay,” caption ni Dantes, isang lieutenant commander ng Philippine Navy, sa kanyang Instagram post.

Pinasalamat rin ng beteranong aktor ang mga reservists na nagsasakripisyo ngayong may COVID-19 pandemic.

“Isang pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng reservists na volunteers at ilang linggo nang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Luzon para tumulong sa ating mga kababayan,” saad pa ni Dantes. (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?