498
dingdong
By

Dingdong Dantes, nakipagpalitan ng argumento sa isang NYC Commissioner

Sharing is caring!

Sinagot ni Dingdong Dantes ang query ng isang NYC (National Youth Commision) Commisioner na si Perci Cendana (real name: Percival V. Cendaña, base sa NYC website) na may handle name na @PerciCen sa Twitter.

Sabi ni Comm. Perci, “Sir, sorry po. Hindi ko po talaga ma-gets.”

Humingi ang Commisioner ng paliwanag kay Dingdong, former NYC Commisioner-at-Large at kinikilala bilang Kapuso Primetime King, kung paano raw ang “kiss ‘done on a professional way.’”

Tugon ng award-winning actor sa nagtatanong, “Sino nagsabi nun, Comm?”

Isang follower ng mister ni Marian Rivera ang nag-tag kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Sabi ng senador sa interview, wala umanong masama sa halik “as long as the act is done in a professional way.”

Dagdag eksplinasyon ni Sen. Sherwin sa mga reporter, “Ako I would like to compare this sa mga artista dahil may mga artista na may asawa but they also have kissing scenes in their movies, in their TV show.”

“So I think as long as it’s kept professional and there’s an understanding within the partners then siguro puwede nilang gawin ‘yun.”

Sagot ng aktor ng “Sid and Aya (Not A Love Story”) kay Comm. Perci sa Twitter post nitong “Former NYC Commisioner & award-winning actor Dingdong Dantes weighs in on the kiss ‘done in a professional way.’”

“Ngayon ko lang nakita. Kaming mga artista ay gumaganap ng isang karakter. Minsan nga puwede kaming umayaw kung di namin trip dahil kani-kaniyang values at interpretation yan. Di porket sinabi ng direktor at script na talon ay tatalon ka na.”

Dingdong adds, “As actors, we are accountable to our viewers, our producers and the manner of delivering the story. Aba’y ibang usapan yan kapag public official ka. Kaya’t huwag dapat ihambing gamit ang ganiyang argumento.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?