196

Jan 27, 2020 @ 18:36
By

Dingdong Dantes na-promote na Lt. Commander ng Navy reserve force

Sobrang proud si Marian Rivera sa kanyang mister na si Dingdong Dantes.

Na-promote na Lieutenant Commander ng military reservists ng Philippine Navy si Dingdong.

Sa Instagram, nag-share si Marian ng mga litrato ni Dingdong habang tinatanggap ang ranggo kasama siya.

“Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super proud of you my husband… Salute!” caption ni Marian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?