42

Feb 23, 2018 @ 12:02
By

Dingdong bibida sa Thailand

Si Dingdong Dantes naman ang siguradong ‘hot’ sa Thailand ngayon dahil ipalalabas sa buong bansa ang hit series na pinagbidahan din nina Maricel Soriano at Lovi Poe na iniere ng GMA 7 noong 2014.

Kamakailan lang ay si Ken Chan at ang kanyang LGBT themed series na “Destiny Rose” ang ipinalalabas sa Thailand, ngayon ay nakatakda namang ipalabas ang serye ni Dingdong at posibleng ito naman ang maging apple of the eyes ng mga Thai people.

Nakaposte sa Instagram account ni Dingdong ang larawan niya sa Bangkok, Thailand habang ini-interview para sa serye.

@dongdantes, “Ang dalawang Mrs. Real is one of the many Filipino shows that will be aired this season via BrightTV – a platform for free entertainment here in Thailand. It was such a pleasure to be part of @gmanetwork’s delegation and to personally witness how much our Thai neighbors appreciate the work that we’ve done (Congrats sa mga mahuhusay na artista, writer, director, staff at crew na magkakasamang bumuo nito).

“That’s probably the reason why @mikaeldaez, @benxalves (Benjamin Alves) and I were so enthusiastic in answering all questions – personal and professional – from our partners here in the region. Many thanks to Ann Jakrajutatip, the CEO of JKN Global, for bringing us here too! I can’t wait to go back home create more quality content that’s just not entertaining, but also informative inspirational and aspirational #ProudPinoy #ProudKapuso…”

Bagay nga sina Dingdong at Marian Rivera sa isa’t isa dahil pareho silang nagkaroon ng international career mula sa kanilang mga serye sa GMA 7.

Matatandaang hindi lang ipinalabas sa Vietnam ang isang serye ni Marian kundi tumanggap pa ito ng award mula sa kanyang mga fan doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?