268

Oct 25, 2017 @ 11:32

Dingdong bawing-bawi sa clingy weekend kina Marian at Zia

By DONDON SERMINO

Kahit sobrang busy, kulang sa tulog at pahinga, nagawa pa rin ni Dingdong Dantes na paligayahin ang kanyang mag-ina nitong weekend. Aminado naman si Dingdong, na halos wala na siyang time kina Marian Rivera at sa baby niyang si Zia.

Madalang na nga lang daw silang magkita ng misis niya, dahil pareho silang busy sa work. Siya sa Alyas Robin Hood sa GMA 7, at ang katatapos lang na Seven Sundays, na bumebenta pa rin sa takilya ngayon, at si Marian naman sa Super Ma’am at sa Tadhana sa GMA 7 pa rin.

Medyo guilty si Dong sa kakulangan sa oras niya sa pamilya niya. Pero, sabi nga nila ni Marian, ang teleserye na ginagawa nila ngayon, matatapos at matatapos din naman, at hindi naman ito panghabambuhay.

Pero, dahil dedicated father and husband si Dong, kapag may maliit na oras talaga, isinisingit talaga niya na pasayahin ang kanyang mag-ina.

At last weekend nga, bigla na naman nilang binulabog ang social media, lalo na ang Instagram, dahil sa mga inilabas nilang photos ni Marian, na siyempre pa, bidang-bida ang baby girl nila, ha!

“Clingy kami,” ang simpleng caption ni Dingdong sa photo nilang tatlo na nakababad sa swimming pool, at todo-yakapan talaga. Larawan ng isang masaya at kuntentong pamilya ang makikita mo sa photo na ‘yon, na humamig talaga ng paghanga mula sa mga fans nila, at kapwa-artista nila.

Sabi nga, happy and relaxing weekend ‘yon for Dingdong Dantes’s family na ginawa sa San Benito farm sa Batangas. Si Marian nga, sunod-sunod na pagpo-post ang ginawa niya, na feel na feel mo talaga na ang saya-saya nila sa simpleng sitwasyon na ‘yon  na pinagsaluhan nila.

Pero, ang isang kumuha ng attention ng kanilang followers ay ang mala-beauty queen na pose ni Zia. Kaya naman ang followers ni Dong, nag-agree nang tawagin niya itong ‘Little Miss Philippines’.

Samantala, the search is over na nga ba para kay Pepe (Dingdong Dantes) ngayong nakita na niya ang kanyang ina na si Judy (Jaclyn Jose)? Ngunit sa pagpapakilala kay Judy bilang Victorina Deogracia y Villadolid ni Emilio (Edu Manzano), magawa pa kaya ni Pepe na makuha ang ina? Abangan ang mga intense na eksenang sa Alyas Robin Hood sa GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?