51
abante-tnt-vismin-dingdong-dennis
By

Dingdong at Dennis sanib-pwersa sa Cain at Abel

Sharing is caring!

Inihayag na ng GMA Network ang pinakaaabangang pagsasanib-pwersa nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo para sa upcoming series na Cain at Abel.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa isang proyekto ang dalawang pinakahinahangaan at tinitingalang aktor ng Kapuso Network.

Ngayon pa lang, hindi na makapaghintay ang fans na mapanood ang kanilang much awaited soap.

Very excited at overwhelmed sina Dingdong at Dennis sa pagsasamahang proyekto lalo pa at dalawang direktor ang mangunguna sa
seryeng ito na sina Direk Mark Reyes at Direk Don Michael Perez.

Makakasama rin nila sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Chanda Romero, Ronnie Henares, Carlo Gonzales, Boy 2 Quizon.

Kaabang-abang ang magiging kwento at tapatan ng dalawang sikat na mahusay na artista ng GMA para sa nasabing show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?