65

Mar 2, 2020 @ 18:56
By

Dingdong at Coco banggaan sa ‘Summer Festival’

Inilabas na ang walong opisyal na kalahok para sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) sa bansa.

Kabilang sa pelikulang mapapanood sa “Summer Festival” ang “Isa Pang Bahaghari” kung saan bida si Nora Aunor.

“Tagpuan” starring Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao; at “The Missing” nina Joseph Marco at Ritz Azul.

“Love The Way U Lie” nina Xian Lim, Kylie Verzosa at Alex Gonzaga; at “Ngayon Kaya” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Balik pelikula naman si Jinggoy Estrada sa “Coming Home” kung saan kasama niya si Sylvia Sanchez.

Sahog din sa festival ang “Love or Money” ng fresh tandem nina Coco Martin at Angelica Panganiban.

Pasok din ang “A Hard Time” ni Dingdong Dantes

Lahat ng mga pelikulang nabanggit ay mapapanood simula April 11 hanggang April 21.

Gaya ng MMFF, magkakaroon din ng “Parade of Stars” ang MMSFF sa April 5.

https://www.facebook.com/mmffofficial/posts/2522066574564791

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?