dingdong
By

Dingdong 36 hours nag-motor paakyat ng bundok

Sharing is caring!

Nagpaka-daring na naman si Dingdong Dantes nang bumiyahe papuntang Benguet at narating ang lugar na Highest Point sa Atok, Benguet sa pamamagitan ng motorsiklo. Ipinagmalaki ng aktor ang achievement na ‘yon kasama ang ilang kasamang umakyat ng Benguet.

“630 kilometers and 36 hours on 2 wheels with @theeuromonkeys,” caption ni Dong sa adventure na pinasukan.

Of course, walang dapat ipag-aalala ang asawang si Marian Rivera sa nakakakabang biyahe na ito ng asawa. Big motorbike naman ang sinakyan niya na kinahiligan niya noon pa mang binata siya, huh!

Dumaan ang grupo ni Dong sa isang bar na may nakalagay na Eat Drink Play at nahuli siyang kumakain pa ng balut!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?