68

Dec 21, 2017 @ 14:59
By

Dineklarang ceasefire ni Duterte, hindi para sa terorista – Bato

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi para sa New People’s Army (NPA) at iba pang teroristang grupo ang dineklarang ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni General Bato, para sa mga sundalo at pulis ang deklarasyon ng Pangulo.

Aniya, gusto lang ng Pangulo na mag-enjoy ang mga sundalo at pulis kasama ang kanilang mga pamilya ngayong panahon ng Pasko nang wala sa bundok.

Pero hindi aniya ibig sabihin nito na iiwan ng mga sundalo at pulis ang bundok ngayong panahon ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.

Mananatili aniya ang alerto ng mga sundalo at pulis pero walang combat operations.

Ang ceasefire ay ipapatupad ng pamahalaan mula Disyembre 24, 2017 hanggang Enero 2, 2018. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?