18

Nov 24, 2021 @ 12:23
By

Dinedma COVID: Kabataan nagwalwal sa Cotabato

Hindi nakontrol ng seguridad sa Tulunan, Cotabato ang kasiyahan ng mga kabataan kamakailan kung saan ‘di na nagsuot ang mga ito ng face mask at binalewala na rin ang social distancing.

Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Martes, ang kasiyahan ay parte ng ika-60 anibersaryo ng naturang bayan.

May nakakuha pa ng video sa party kung saan sumasayaw ang mga kabataan na tila walang pandemya.

‘Di na rin umano nasunod ang programa na tapos na sana dakong alas-10:00 ng gabi dahil tuloy pa rin ang mga kabataan hanggang maghatinggabi.

“Pagkatapos ng employees’ night hindi na maiiwasan sa tingin ko kasi sa dami ng nagpunta, ang sound system na naiwan, ay ginamit siguro ng mga kabataan para mag-disco sila,” saad ng alkalde ng bayan na si Mayor Reuel Limbungan.

“Siguro more or less, mag-alas dose y medya ang disco nila natigil. Inaamin ko sa panahon ngayon, uhaw na uhaw ang mga tao sa ganyang mga bagay, so kahit anong gawin ng mga peacekeeping forces diyan at police mismo, so ayun, nahinto siya mga 12:30 na,” saad pa nito.

Hindi pa muling naglalabas ng pahayag ang lokal na pamahalaan kung may napatawan ba ng parusa sa nangyaring kasiyahan. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?