44

Aug 5, 2021 @ 13:14
By

Dindi Pajares rarampa na sa Miss Supranational sa Poland

Lumipad na patungong Poland si Filipina beauty queen Dindi Pajares para sumabak sa Miss Supranational 2021.

“She is supra ready! She is now on her way to Poland,” anang Miss Supranational Philippines sa caption ng kanilang Instagram post kung saan makikita si Pajares na hawak ang flaglet ng Pilipinas.

Ibinahagi din ng model sa kanyang IG ang kagalakan niya nang makoronohan bilang Miss Supranational Philippines 2021.

“Words cannot express how grateful and honored I felt when I was crowned as Miss Supranational Philippines 2021,” saad niya sa caption ng kanyang post.

“The love and support I have received along the way has been priceless. And now, I am so excited to fly to Poland today and represent our country on the international stage,” dagdag pa niya

Nagpasalamat naman siya sa mga netizen na sumuporta sa kaniya.

Nakatakdang ganapin ang naturang pageant sa Agosto 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?