41

By

Dinastiya ng San Miguel, puputulin ng Magnolia

“We always find ways to win.”

Ito ang naging tugon ni Magnolia Hotshots head coach Chito Victolero nang maitanong kung ano ang kakayanin ba ng Magnolia ang maging back-to-back champions ngayong 2019 PBA Philippine Cup.

Noong nakaraang 2018 Governor’s Cup ay itinanghal na kampeon ang Magnolia para muling makabalik sa pedestal, ngayon ay aminado ang coach na mas mahirap na landas ang kanilang tatahakin sa pagharap sa four-time defending champs San Miguel Beermen.

“That’s the goal,” ayon sa Magnolia mentor. “But you know medyo mahirap yang dadaanan namin ngayon kasi they are the experienced team, they’re the defending champion and they have the personnel also na to become a five-peat champion but you know I still believe on my team, nothing is impossible.”

May plano na rin umano ang coach para matibag na ang dinastiya ng San Miguel, hihintayin na lang ang serye para makita kung magiging epektibo ito. Ito ang magiging ikalawang sunod na paghaharap ng dalawa sa Philippine Cup finals na nagkasalubong na rin noong 2018.

“Actually ang goal namin is one game at a time eh so but of course the bigger picture is to win the championship, hindi madali eh, may mga plano, and hopefully ay maging successful so parang hindi kami papalit-palit,” pakli ni Victolero.

“But you know series is about adjustments eh, kung sinong maka-adjust ng maganda, yun ang mananalo.”

Isa pa sa tinitingnang disadbantahe ng Magnolia ay ang kakulangan ng pahinga, dumaan sa Game 7 series kontra Rain or Shine samantalang ang SMB ay maagang tinapos ang serye nila kontra Phoenix sa limang laro.

Ngunit hindi ito alintana ni Victolero.

“That’s an advantage also because nakapahinga sila, maganda legs nila. Kami naman coming from a best of seven. But you know, wala na yon eh, I think in a series or in a championship, sometimes kakalimutan mo na yung pagod,” saad pa.

Simula na ng serye ng San Miguel at Magnolia sa Miyerkoles, alas-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?