270

May 7, 2021 @ 11:41
By

Dinamay si Miss U Canada sa gluta! Mga netizen banas kay Pialago

Binanatan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago dahil sa naging post nito tungkol sa pampaputi, kung saan nabanggit niya si Miss Universe Canada Nova Stevens.

Sa Facebook post ni Pialago, sinabi nito na baka kailangan na niyang magpa-gluta araw-araw para hindi malait tulad ni Stevens, na nagmula sa Kenya.

“Nakakalungkot ‘di ba, dahil kung si Miss Canada e hindi nakaligtas sa mga mapanlait na mata, mukhang kailangan ko ng araw-arawin magpa-gluta,” ayon kay Pialago.

“Oh well, hindi lang naman pampaputi ang gluta kundi nililinis din nito ang inyong kidney at liver,” aniya pa.

Kaagad ding binura ni Pialago ang naturang post, at pinalitan ito ng bagong caption kung saan tinanggal na ang tungkol kay Stevens.

Dahil sa nasabing post ay pinuna ng mga netizen si Pialago dahil sa insensitive nitong pandadamay kay Miss Canada.

Ayon naman kay veteran journalist Raissa Robles, puwedeng mapanagot si Pialago dahil sa pagtanggap ng regalo mula sa isang kompanya, at pag-endorso pa rito, na pinagbabawal sa mga public official base sa Republic Act 6713.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?