27

Aug 5, 2021 @ 17:10
By

Dinaliri! American comedian pinagsaing ni Jo Koy

Aliw ang mga Instagram followers ni Jo Koy sa isang video kung saan tinuruan niya ng ‘Pinoy style’ na pagsasaing ang kapwa komedyante na si Chelsea Handler.

“Teaching [Chelsea Handler] how to make rice,” saad sa caption ni Jo Koy.

Sa isang two-minute video, kinaaliwan ng mga netizen lalo na ng ituro ni Jo Koy ang pagsukat sa lebel ng tubig ng sinaing gamit ang daliri.

Hindi pamilyar si Handler, maging mga followers ni Jo Koy, sa teknik ng paggamit ng daliri sa pagsukat ng tubig kaya’t kinaaliwan nila ito.

Tinuro rin ng Filipino-American comedian ang paghuhugas sa bigas.

Sa kabutihang-palad, success at maganda naman ang kinalabasan ng kanilang sinaing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?