117

Oct 7, 2021 @ 16:12
By

Babaeng ‘namatay at muling nabuhay’ tatakbong pangulo

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbong pangulo ang babaeng nagsasabing kinausap siya ng Diyos at dalawang beses na namatay at muling nabuhay.

Siya ay si Ma. Antonia Aquino, na naghain ng kanyang COC ngayong Huwebes.

Aniya, ang Diyos mismo ang nakipagusap sa kanya para tumakbong pangulo.

“Two nights ago, ako po ay kinausap ni Yahweh Elohim, sinabi po niya sa akin: pursue, overtake them, and recover all,” aniya. “I stand here not by any other party. My handler is the living God and the Holy Spirit.”

Ang pinakatumatak sa kanyang talumpati sa filing ng COC, ang dalawang beses niyang pagkamatay at muling pagkabuhay.

“Ang tumatayo dito ay namatay na nang dalawang beses at nabuhay ulit, sabihin ko sa inyo siyam na beses na-stroke,” kwento ni Aquino.

“Ako po ay pinagaling ng buhay na Diyos,” dagdag pa niya. “Bakit? For such a time as this! Kailangang tumindig hindi para mag-mock sa election, kundi ano ba ang sinasabi ng Panginoon.”

Siya ay hindi parte ng political clan ng mga Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?