38

Nov 26, 2021 @ 17:37
By

Dinaga? Michael Yang hindi sumipot sa Senado

Hindi dumalo si dating presidential economic adviser Michael Yang sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee nitong Biyernes.

Ayon sa kanyang abogado, tinamaan si Yang ng sakit na “pharyngitis” at pinayuhang magpahinga ng isang linggo.

Sa liham na pinadala ni Atty. Raymond Fortun, abogado ni Yang kay Senate President Vicente Sotto III at sa Senate blue ribbon committee, hiniling nito na i-excuse ang negosyante sa pagdinig dahil sa payo ng kanyang doktor na magpahinga.

Tinitingnan din ang posibilidad na nahawahaan si Yang ng COVID-19, ayon kay Fortun.

“Mr. Yang has been diagnosed with Nonexudative pharyngitis (ATP-Nonexudative) by Dr. Lim of the Davao Doctors Hospital last 24th November 2021, who could not fully rule out the possibility that Mr. Yang had contracted the COVID-19 virus. His doctor has recommended that he rest for one week in order to aid in his treatment and recovery,” sabi ni Fortun sa kanyang liham.

“As COVID-19 has not been ruled out, Mr. Yang is in isolation and the undersigned counsel has been directed to stay away from him for the duration,” dagdag nito.

Tiniyak naman ni Fortun na makakadalo si Yang sa susunod na pagdinig basta’t gumanda lang ang kondisyon ng kanyang kliyente.

“Please also be assured of Mr. Yang’s continuous respect in the Senate and the Blue Ribbon Committee, his willingness to attend the latter’s hearings in aid of legislation, and his cooperation in all matters that are within the bounds of law,” sabi pa ni Fortun.

Pinadala ang liham, ilang araw matapos maghain si Yang ng petisyon na humihiling sa Supreme Court na ipawalang bisa ang arrest order at subpoena na inisyu sa kanya ng Senado.

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?