65

By

Dimples Romana maldita sa ‘Kadenang Ginto’

Sharing is caring!

Nag-pilot episode ang ‘Kadenang Ginto’ na Kapamilya Network na napapanood after ‘It’s Showtime’ nitong Lunes.

Everybody knows mahusay na actress si Dimples Romana. Pero, sa ‘Kadenang Ginto’ mas maraming pinahangang televiewers si Dimples.

Grabe, intense na intense ang character niya bilang si Daniela, ang kontrabida sa naiibang teleserye ng ABS-CBN. Sabi nga ng netizens sa social media, ‘di kaya totoong maldita si Dimples sa totoong buhay?’

Unang pasabog ng ‘KG’ ay ang confrontation nina Dimples at Beauty Gonzales bilang si Romina. Sobra ang impact nang sabuyan ni Dimples ng alak sa mukha si Beauty.

Sinabihan ni Dimples na cheap gold digger ang huli dahil ang ama nitong si Albert Martinez ay lantarang may gusto kay Beauty na isa nilang empleyada.

Bilang solong anak ni Albert, ibig ni Dimples na sa kanya lahat mapunta ang kayamanan ng ama.

Kaabang-abang ang bawat eksena ng ‘KG’ na mapapanood araw-araw (Lunes-Biyernes) pagkatapos ng ‘It’s Showtime’.

Ang lead stars ng teleserye ay sina Luis Alandy, Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?