16

Jun 24, 2022 @ 16:46
By

Dimples nanganak na, fresh pa rin

Masayang ibinahagi ni Dimples Romana sa Instagram ngayong Biyernes na nanganak na siya kay baby Elio.

“I spy with my little eye
Hi, Elio, SURPRISE,” caption niya.

Sinabi niya rin na magiging maganda ang weekend ng kanilang pamilya.

“I guess it’s going to be a good goood weekend for @the.fahmeely,” dagdag niya.

Bumuhos ng ‘congratulations’ ang comment section ng aktres.

Pati ang mga kapwa celebrity ay binati siya.

”Omg congrats ate!!!!! Ayan na si Elio!!!” komento ni Kat Galang.

“Omg congratulations Ahmee family!!!! Good job, mama!!!!” sey ni Bianca Umali.

“Bakit ang fresh mo???? Congrats sa inyo ni boyet” puri ni Kaye Abad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?