29

Oct 17, 2020 @ 18:49
By

Dimples binilhan ng bonggang bahay ang kasambahay

Sinorpresa ni Dimples Romana at mister niyang si Boyet Ahmee ng bagong bahay ang kanilang kasambahay.

Bilang pasasalamat daw iyon ng mag-asawa sa pananatili sa kanila ng may 17 taon ng kasambahay nilang si Ate V.

Binahagi ni Dimples sa kanyang YouTube channel ang naging panonorpresa nila kay Ate V noong Oct. 16.

Kuwento ng aktres, may pagkakataon noong nagsisimula pa lang silang magpamilya ni Boyet na hindi nila napapasahod si Ate V at may insidente ring pitong buwang delay ang sahod nito pero hindi sila iniwanan ng kasambahay.

“Hindi namin maabot ang mga pangarap namin, kung walang ‘Ate V’ kaming kaagapay sa araw araw na pamumuhay,” sabi ni Dimples sa description ng vlog.

“Masaya ako na kahit papano, naibalik na namin sakanya ‘yung lahat ng pagmamahal na ibinigay niya sa amin all these years,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?