231

Mar 21, 2018 @ 12:46

Dimple Star Bus, papatawan ng preventive suspension ng LTFRB

Nakikipag-ugnayan na ang regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makuha ang plaka ng bus na nasangkot sa aksidente sa Sablayan, Occidental Mindoro, Martes ng gabi.

Namatay sa aksidente ang may 19 katao habang 21 pa ang sugatan.

Ayon sa LTFRB, papatawan ng preventive suspension order ang prangkisa ng Dimple Star Bus na sangkot sa aksidente.

Samantala, siniguro ng LTFRB na makatatanggap ng mga benepisyo ang mga namatayan at nasugatan sa aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?