126

Dec 22, 2018 @ 19:50
By ,

Dimaculangan espesyal ang PSL MVP award

Napabilang si Rhea Dimaculangan bilang dalawang natatanging setter kasama si Tina Salak na naging Most Valuable Player (MVP) ng Philippine Superliga matapos mahirang na pinakamagaling na manlalaro sa katitiklop lang na All-Filipino Conference.

“Sobrang na-surprise ako kasi hindi ko namna talaga siya ine-expect kasi siyempre hindi pinaghirapan ‘yun ng team namin eh. Itong award na ito para sa amin lahat ito,” wika ni Dimaculangan.

“Hindi ko ‘to magagawa kung hindi isa ang goal namin. Siyempre family kami kaya through ups and downs magkakasama kami,” dagdag nito.

Proud din ang coach nito na si Shaq delos Santos sa nakuhang karangalan ni Dimaculangan.

“Ako sobrang proud kasi alam natin ‘yung quality ni Rhea kung paano maglaro. Tahimik lang ‘yan pero kapag naglaro dun na lang niya ipapakita kung gaano siya katindi maglaro,” wika ni Delos Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?