37

By ,

Dillinger nais mapalapit sa mga fan ng Ginebra

Sa pag-ober da bakod ni Jared Dillinger mula Meralco pa-Barangay Ginebra, determinado itong maging isa mga pinakamamahal na manlalaro sa team.

Pormal nang kasama sa Gin Kings si Dillinger sa simula ng pagsasanay ng team nitong Lunes.

Ang paglipat ni Dillinger sa Ginebra ay nangyari tapos ang kanyang hate tweet noong 2017 na ‘di nagustuhan ng diehard Ginebra fans. Pero umaasa ang 35-anyos na manlalaro na magustuhan din siya ng fans.

“I hope Ginebra fans out there will learn to love me slowly by just seeing how I play with my heart on my sleeve, and the energy and emotion that I like to bring when I play the game,” sabi ni Dillinger sa balita ng Spin.ph.

Inamin din ni Dillinger na nagulat siya sa paglalaro sa bago na namang team. Pero masaya siya dahil buong puso siyang na-welcome sa Gins.

Alam din ni Dillinger ‘di nagustuhan ng ilang Ginebra players ang naging tweet niya tungkol sa koponan kaya’t hinanda niya ang kanyang sarili sa mga pwedeng ipagawa sa kanya.

“I’m sure they are going to make me do something here. I’ve heard so many things already. I’m sure they’ll be going to make me do something silly – buy pizza, do a silly dance, something. We’ll see. We’ll get to that when they put me on the spot,” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?