291

Jun 1, 2019 @ 16:31
By

Dillinger ‘di welcome sa Ginebra

Marami ang nagulat sa biglaang pag-iba ng ihip ng hangin sa pagpirma ni Jared Dillinger sa koponang masidhi niyang inaayawan.

Sa balitang nasungkit ng Ginebra si Dillinger matapos ilagay ng Meralco sa free agency, biglang lumutang ang dating tweet nito noong 2017 kung saad pinangaladakan niyang sana’y matalo ang Gins dahil ayaw niya sa mga tauhan nito.

“That one was tough. Hats off to to TNT for sticking it out. Beat Ginebra. I can’t stand those guys,” ayon sa nakalipas na tweet ni ‘Daredevil’.

Sa parehong pasaring ni Dillinger ay nag-reply si Greg Slaughter na sinabing mas marami pa itong ikakagalit sa Ginebra sa mga susunod na taon, ngunit mukhang kakailanganing magkaayos ng dalawa dahil sa napipintong pagsasama sa iisang bahay.

Matapos naman ang pagputok ng balita, nagpahapyaw ang longtime Ginebra ward na si Joe Devance, hindi rin nakalimutan ang nasabing tweet at dapat aniya ay mag-sorry muna ang Colorado native bago tanggaping buo ng team.

“Please tell me the news about @JDHawaii20 is not true!!! He is not welcome here!!!!!!!!!” giit ni JDV.

“If the news is true he needs to say sorry first! If he apologizes and buys the team pizza ill ask NSD and my teammates if its ok if he joins us!” saad pa ng beterano.

Sa nasabing move, halo-halo ang naging reaksyon ng mga sports fan, ang ibang fan ay natawa ngunit may mangilan-ngilan pa ring hindi nakakalimot.

“Tulak ng bibig kabig ng dibdib, pala yang si dillinger. Kunyaring hate na hate Ginebra yun pala inaasam maging kabarangay, kaya di na nagpaalam sa dating team at pirma agad sa ginebra. Haha,” ayon kay _Ms. FURIOUS_47_.

“haixt, dillinger para sa ginebra. hate na hate ko dati pero ngayong pupunta sa gin, no choice, tatanggapin na lang,” sey naman ni @winterrrJvC.

“Natatawa ko kay Dillinger kala mo magiging malaking asset sa Ginebra e hahahahahaha,” giit naman ni @geannthdxx.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?