66

Sep 25, 2019 @ 15:21
By

Dilig, Taduran, Young mga bisita sa TOPS

Basketball, boxing at chess ang magiging sentro ng talakayan sa 41st “Usapang Sports” by the Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Bibisita sina Laguna Colleges and Univetsities Athletic Association (LACUAA) president Arnaldo M. Dilig ng San Sebastian College-Canlubang at chairman Leonardo “Ding” Andres upang talakayin ang opening ng seventh season ng liga sa Sept. 27 sa Dominican College gym sa Sta. Rosa City, Laguna.

Makakasama nila sina LACUAA vice-president Richard Penaranda at secretary general Bernard P. Bergania.

Panauhin din sa 10 a.m. public service program na mga handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink, si newly-crowned Miss ISAA Suzette Anne Sablad ng Manila Tytana College at ISAA president Ruel dela Rosa.

Gayundin sina IBF minimumweight champion Pedro Taduran na ibabahagi ang kanyang pagkapanalo kay Samuel Salva sa Taguig City nitong Sept. 7; at IM Angelo Young, na tatalakayin ang kanyang kampanya sa FIDE World Seniors Chess Championships sa Bucharest, Romania sa Nov.11-24.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officer at member na dumalo sa session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?