188

Jan 16, 2021 @ 16:04
By

DILG wala ng badyet, magbabawas ng contact tracer

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 15,000 na lamang sa 50,000 mga contact tracer (CT) ang muli nilang pababalikin sa trabaho.

Anila, kasama sa gagawing rehiring ang mga CT na napaso ang kontrata noong Disyembre 31 ng nakaraang taon.

“Much as we would like to continue the services of all the 50,000 CTs hired in 2020, we need to have a more rational number of CTs and work within the available budget allotted to the Department,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

“Hence, only 15,000 CTs will be rehired under a six-month contract in the meantime while we wait for the release of additional funds,” dagdag niya.

Inaprubahan ng Budget Department ang P1.9 bilyong badyet na inilaan para sa mga contact tracer ngayong taon.

Ayon sa DILG, ikinokonsedera nilang mga contractual worker ang mga CT na may sahod na P18,784 kada buwan.

Inatasan na ng DILG ang kanilang mga field office at mga LGU na mamili ng mga contact tracer na mare-rehire.

Sambit nila, ilalagay ang pinakamaraming CT sa mga lokal na pamahalaan kung saan mataas ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Anila, agad nilang sisimulan ang rehiring oras na ilabas na ang Special Allotment Release Order o Notice of Cash Allocation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?