5

Feb 2, 2021 @ 13:56
By

DILG, UP magpupulong ngayong linggo

Nakatakdang magpulong ngayong linggo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamunuan ng University of the Philippines (UP) upang pag-usapan ang nilusaw na kasunduan.

“Contrary to a report that came out in a broadsheet, the DILG wants to hold a dialogue with UP officials to revisit the 1992 agreement. For the record, what we said was that there is a need to review the 1992 agreement requiring the PNP to notify UP authorities before entering its campuses,” ani DILG spokesperson Jonathan Malaya.

Aniya, makikipagdayalogo rin sila sa opisyales ng UP upang matukoy ang istatus ng seguridad sa naturang kampus.

Marami na kasi umanong mga informal settler at business establishment ang mamamataan sa Diliman.

“With the growth of the population within each campus, the current capability of the university’s police and firefighting forces must be assessed. Kaya pa ba nilang panindigan ang responsibilidad na pangalagaan ang seguridad at kaayusan sa loob ng campus?” sambit ni Malaya.

“Upon the request of UP, we are open to a meeting. Kailangan na talaga nating umupo at mag-usap dahil sa dami ng mga pagbabago, pangyayari at problema sa UP,” dagdag pa nito.

Magugunitang Enero 18 nang nilusaw ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang UP-DND accord.

Layon ng naturang kasunduan ang pagbawalan ang pwersa ng pulis at militar na makatapak sa kampus ng UP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?