37

Aug 9, 2021 @ 12:08
By

DILG tutol sa tanggal-checkpoint sa NCR

Hindi sang-ayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mungkahi ng PNP na alisin ang mga checkpoint sa palibot ng Metro Manila sa kalagitnaan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, mahihirapan lamang ang DILG sa pamamahala sa lugar kung aalisin ang mga checkpoint.

“Para po sa amin sa DILG, mahihirapan po tayong i-implement ‘yung ganitong polisiya,” ani Malaya.

“Kung wala po tayong checkpoints papaano po natin mai-enforce ang curfew,” dagdag pa nito.

“Pangalawa, ang standard nga po na general rule sa panahon ng ECQ is stay at home unless you are APOR (authorized persons outside residence). Papaano po natin ‘yan mai-enforce kung wala tayong checkpoints?” wika pa ni Malaya.

Ayon pa kay Malaya, kakausapin ng ahensya ang PNP na nagmungkahing alisin ang mga checkpoint.

Para kasi kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, nagdudulot lang ng matinding trapiko ang mga checkpoint.

Kaya’t ang mungkahi ni Eleazar, sa mga aktibidad gaya ng pagbabakuna at pamamahagi ng ayuda na lamang itatalaga ang pwersa ng mga pulis. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?